Ang hirap isipin na sa kabila ng mga kasiyahan at grasyang natatanggap mo sa buhay mo ngayon. May mga tao pading nasasaktan kahit ayaw mo. Yung mga taong matagal mong iniwan sa malayong lugar bumabalik, hinahanap ung ikaw na nang iwan sa kanila sa makulay na mundong walang boses. Yung akala mong pagkakamali niya, pagkakamali mo din palang ayaw mo lang angkinin.
Taon ding sinayang sa mga kasinungalingang akala mo totoo. Ilang araw pa ba ang kulang pra pagbayaran ko ang mga ganung yugto ng buhay ko na matagal ng sirado? Ilan pa bang konsensya ang mabububo at mawawasak dahil umiiyak ang panyong iniingatan mong hinid mabasa. Ilang masasayang araw pa ba ang ipapakita ko sa kanya at hindi niya malalasap?
Ilang ulan pa ba ang dadaanan niya para hindi ako mabasa? Ilang ako pa ba ang hindi na sasapat sa kanya?
mga binuong tanong mula sa mga sagot na ayaw pakinggan. mga buhay na nilalang na kinakalimutan.. pinapahinga ng alikabok, binibilad sa araw.. hinahagis sa tuktok ng bundok.. kelan kaya?
kelan ka kaya sasaya na wala na ang ako na nagtatanong ng KELAN? kelan?






